PAGSUSURING-BASAAng PunongKahoy
Ni Jose Corazon De Jesus
Si Jose Corazon de Jesus ay kilala sa tawag na “Huseng Batute, Pepito Matimtiman, Huseng Katuwa” noong kanyang kapanahunan. Isa siyang mamamahayag at manunulat ng tulang tagalog sa paglayong maipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya sa panahon ng pananakop ng estados unidos sa pilipinas.
Ang akdang “ Ang PunongKahoy” ay isinulat sa anyong patulang pangkalikasan. Ito ay Naglalaman ito ng makatotohan na pahayag tungkul sa buhay ng tao.
Ang layunin ng may akda ay ang maipahayag o maibahagi ang kahalagahan ng bawat oras at segundo ng ating buhay. Huwag nating isa bahala ang mga bagay na sa tingin natin ay walang pakinabang ngunit sa pagdating ng panahon ating mababatid na ang mga bagay na sa tingin natin ay walang pakinabang ay may malaki palang gampanin sa ating buhay dito sa mundong ibabaw.
Tema: Ang tulang “ang punongkahoy” ay pumapaksa sa buhay ng tao.
Kaisipan/ Ideya:
Ang tulang ito ay nakabase sa totong karanasan ng tao na inihahalintulad ng may akda sa isang punong kahoy.
Istilo ng pagsulat:
Naging epiktibo ang paraan sa pagsulat ng mga salitang ginamit sa tulang “ang punongkahoy” dahil itoy madling unawain at mauugnay natin sa mga pangyayari sa totoong buhay. Gumamit rin ang may akda ng mga makatawag pansing mga salitana kung saan humahatak sa interes ng mga mambabasa.
Buod:
Ang tula ay tungkol sa isang punongkahoy na siya mismo ang daloy ng buhay ng isang tao. Na tulad ng tao na mayroong simula at katapusan ngunit kaakibat na rin dito ang ibat ibang karasang sumubokin ang ating katatagan sa ating sarili at sa paniniwala natin sa maykapal.
Ang tulang ito ay tungkol sa gunu-guni ng tao kung ano ba ang mangyari kapag dumating na ang araw ng kanyang pagpanaw. Maraming umiiyak dahil na rin sa kalungkutan at dahil na rin dito batid niya ang tunay na pagmamahal at malasakit ng mga taong naging parte na ng kanyang buhay, kayat nang nalalaman niya ito naging masaya at tanggap na niya ang kanyang pagpanaw. Ngunit sa kabila ng lahat ng kasiyahang nadama, maramdaman din niya ang kalungkutan at nag-iisa sa dilin ng naihatid sa kanyang huling hantungan. Pagkatapos ng iyon tila nagising siya sa kanyang guni-guni na yaon pala ay hindi nakakatuwa kayat noong siyay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan na sana’y hindi malimutan at sana yung kangyang mga ginagawa ay maging inspirayon sa kangyang kapwa.